menu-iconlogo
huatong
huatong
pablo-wala-cover-image

Wala

Pablohuatong
woaili520huatong
Liedtext
Aufnahmen
Lumalalim na naman ang gabi

Hudyat nito'y pamamalagi sa gunita ng pagsisisi

'Di ko maintindihan ang pighati

Siguro nga'y hindi lubos na kilala aking sarili

Ikaw ba'y may alam sa'king dinaramdam?

O tulad nilang walang pakialam?

Oh, buwan

Ikaw nga ba'y tunay na kaibigan? (Oh, ooh-woah)

Lulan mo lang sa'king mundo ay kalungkutan (Oh, ooh-woah)

Dapat ka nga bang pasalamatan?

Kung kasiyaha'y sa t'wing ika'y lilisan

Gayunpaman ay

Kay tagal naghahanap sa salarin

Ni hindi sumagi sa isipang tumingin sa salamin

Wala namang magagawa pa kung 'di tanggapin

At unti-unting pilitin ang sarili ay mahalin

Ikaw lang ang may alam sa'king dinaramdam

Oh, 'wag na 'wag kang biglang mang-iiwan

Oh, buwan

Ikaw nga ba'y tunay na kaibigan? (Oh, ooh-woah)

Lulan mo lang sa'king mundo ay kalungkutan (Oh, ooh-woah)

Dapat ka nga bang pasalamatan?

Kung kasiyaha'y sa t'wing ika'y lilisan

Gayunpaman ay hindi ko 'to gusto

Hinding-hindi ko 'to gusto (Oh)

Salamat sa presensya mo (Oh-oh-oh)

Hinding-hindi ko 'to gusto

Lubayan mo nga ako

Mehr von Pablo

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen