menu-iconlogo
huatong
huatong
sugarcane-gunita-cover-image

Gunita

SUGARCANEhuatong
freudin0huatong
Liedtext
Aufnahmen
Hmm, hmm

Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya?

Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan

Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan

Mananatili ang pinagsamahan

Tandang-tanda ko pa, unang araw sa eskuwela

Halong tuwa't kaba ang nadama

Lahat nagpakilala, kanya-kanyang istorya

Ngunit tanging sa 'yo lamang nabihag ang mga mata

Binaling ko man ang tingin para kilig ko'y 'di mapansin

Ngiti sa labi ko'y ikaw salarin

Agad nagka-in love-an, dal'wang magkaibigan

Napahingang malalim (hay), 'di malimot ang

Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya?

Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan

Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan

Mananatili ang pinagsamahan

Tinaga pa sa bato, pangalan ko at pangalan mo

Hanggang wakas na ang tambalang ito

'Di sukat akalain, mag-iiba ang hangin

Pinaglayo man ng tadhana'y tiyak ikaw pa rin

Lumipas ang mga taon, marami man ang nagbago

Puwera na lamang ang pagtingin ko sa 'yo

Araw-araw sasariwain, pinagsamahan natin

Ipipikit mga mata't hahayaang magpadala sa

Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya?

Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan

Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan

Mananatili ang...

Hindi ka man katabi sa dulo ng paglalakbay

Nawa ay masaya ka't kailan ma'y 'di nalulumbay

Ang puso ma'y nagkubli, ikaw lang ang sinisigaw

Magbago man lahat, pag-ibig ko'y tanging ikaw

Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya?

Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan

Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan

Mananatili ang pinagsamahan

La-la-la-la-la, la-la-la

La-la-la-la, la-la-la

Mehr von SUGARCANE

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen