Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit di kinakausap
Di inasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit di ko naman sinasadya
Hinding hindi na mauulit sinta
Sana'y maniwala ka
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad
Ilang araw mo nang di pinapansin
Ilang araw pang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
Lahat naman tayo'y nagkakamali
Sinong di nagsasala
Ngunit papano babawi sa pagkakamali
Yun ang mahalaga
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin, para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad
Patawarin mo sana sinta
Di ko sinasadya
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad
Sabihin mo na
Sabihin mo na