Chorus
Sa pinagmulan di babalik
Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit
Kasama tunay ko naka dikit
Yeah Lagi kong ginagalingan
Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan
Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan
Yolab Verse
At sino ba ang ayaw sa buhay na maganda yung hirap at sakit tila di ko ininda
Lumayo sa mga tropang pwede kong ikasama Dahil may pamilya na nag aantay sakin bilang ama
Kaya kahit na ano mang pasakit pa
Dapat mas tibayan bawasan mo yang iniinda
Minsan mapipikon mapipiga mauubos yung natitira Pero alam kong kaya mo basta may pag ibig ka
Dahil walang hindi kayang lampasan
Bitawan ang mabigat sa dibdib mo ng gumaan
Mga problema moy wag na wag mong takbuhan
Harapin dahil ang kaylangan dyan ay palagan
Pagkat kayang kaya
Wag lang mawawalan ng pananampalataya
Makakaraos den sa kahirapan at lalaya
Mag tatagumpay den sa buhay ng hindi nandaya
Chorus
Sa pinagmulan di babalik
Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit
Kasama tunay ko naka dikit
Yeah Lagi kong ginagalingan
Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan
Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan
Jekkpot Verse
Akoy mapapatawad niyo pa ba
Kung sabihin kong sa dati ay ayoko na
Ang makita si ina halos makuba na
At makita ng anak nya ko ang ina nya nag ka uban na
Kaya pasensya na gang dito muna ulet
Pag maayos na lahat asahan niyo na babalik
Akong mas makulet mas mabait walang sakit
Mas malupet na kwento pa sakin ang inyong maririnig
Tapos tawanan ulet pag saluhan natin kung ano ang nakamit
Humawak ng mahigpit sa isat isa sulitin natin bawat saglit
Kaya wag ka ng mag isip magpalamon sa sistema na nakakainggit
Kaya ibigay mo lang ang yong best kampay kitakits sa finals ulet
Chorus
Sa pinagmulan di babalik
Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit
Kasama tunay ko naka dikit
Yeah Lagi kong ginagalingan
Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan
Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan
Ako parin naman yung dati nagbago lang ng konti yung gustong galawan
Umiwas sa bagay na walang katuturan
Kasalanan mo ba kung ikay natuto nalang
Ganun yata talaga
Pag dika na namamanipula
Pati yung pagabante moy minamali nila
Minamata samut sari na pang aalipusta
Ang mahalaga may pagibig kapa na nadarama
Gawin mong inspirasyon ang mga nangyare sa
Buhay mo pagkat meron rason kung bat nadarapa
Minsan kailangan mong daanan lahat yan para sa susunod na hamong mabigat ikay nakahanda
Merong mawawala pero may papalit
Karanasang magpapatibay sayong pagbalik
Ganun talaga minsan mapait
Pagtapos nyan may tagumpay ka ring makakamit
Chorus
Sa pinagmulan di babalik
Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit
Kasama tunay ko naka dikit
Yeah Lagi kong ginagalingan
Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan
Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan