menu-iconlogo
huatong
huatong
yolly-samson-cinderella-medley-cover-image

Cinderella Medley

Yolly Samsonhuatong
nong_sihuatong
Liedtext
Aufnahmen
BY:BRONZe143

Kapag ang puso'y natutong magmahal

Bawat tibok ay may kulay at buhay

Ngunit kung ang pagsuyo'y lilipas rin

Bagay kaya ang bato sa buhangin

Kay hirap unawain bawat damdamin

Pangakong magmahal

Hanggang libing

Sa langit may tagpuan din

At do'n hihintayin...

Itong bato sa buhangin...

T.L. AKO SAYO

Ewan ko ba kung bakit type kita

Dika naman guwapo

Kahit malabo ang pag pili ko

T.L. ako sayo.

Panay kantiyaw ng mga utol ko

Dehins karaw bagay sa kagandahan ko

Malabo na ba raw ang mata ko

At na T.L. kita..

Kalyeng liko liko

Ang takbo ng isip ko

Sabi ng lolo may toyo pang utak ko

Sabi ng lola ay humanap ng iba

May porma't mayaman T.L. wala naman

TULAK NG BIBIG KABIG NG DIBDIB

Mahal pala kita ngayun ko lamang nadama

Kung kailan nawala

Saka hinanap ka aking sinta

Ganyan pala ang umiibig

Lagi ka ng nasasa isip

Lagi kitang na aalala sa bawat saglit

Tulak ng bibig kabig ng dibdib

Ito'y kasabihang aking nabatid

Kung tuluyan mang ikaw ay mawala

Pikit mata pa rin kita'y hihintayin

SUPERSTAR NG BUHAY KO

Kung alam mo lang

Ikaw ang superstar ng buhay ko

Dimo mapansin may crush ako sa'yo

Sa kindat mo lang kinikilig na ako sa'yo

Ikaw ang superstar ang star ng buhay ko

Mahirap ma inlove sa isang katulad mo

Ikaw ang superstar ang star ng buhay ko

Mahirap ma inlove sa isang katulad mo...

THANK YOU.

Mehr von Yolly Samson

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen