menu-iconlogo
huatong
huatong
Lyrics
Recordings
Damn

Yo yo

Hmm

Ten nine six gang

A C K on this mo

Beat meyn

Mga buang mga buang

Ang ligalig nanaman ng mga letra saking isip

Hindi ako malalim pero di ako makitid

Mahirap kalabanin ang kagaya kong tahimik

Madali akong basahin

Kung lenggwahe mo'y pag- ibig

Busog nanaman ang utak ng mga sabik

Mga rimang sangkatutak kumakalabit

Sa gantong mga bagsakan sige makinig

Para kaming mga wu- tang kuya na sa game

Pero pasensya kung madalang

Maglabas ng mga bago

Mas lalo lang inaral ang sariling pagkatao

Tahimik na minamasdan ang bawat pagbabago

Sobrang daming natutunan

Feeling ko baliw na nga'ko

Tingin nila'y di normal

Ang gantong mentalidad

Masama bang tuklasin sariling abilidad

Ginagamit ng maigi buhay na dekalidad

Alam ko saking sarili kung anong kapasidad

Lumipad angat estado at sarili 'di bangko

Ginalawan ng maigi 'to nawili lumago

Sabi na mananatili pag hinga man malagot

'Di kalaban ang sarili kaya labo mabagot

Teka di nayayamot inaaliw lang ang sarili

Inalam at pinulido ng maigi ang pinili

'Di basta't nag titiwala

Na't bilang lang sa daliri

Ang mga nagiging kadikit kaya 'di maiipit

Kitang kita pag kasilip dilat dalawang mata

Subok mali at tama naranasan kumbaga

'Di kailangan hambingan pa para lang ikumpara

Mapanganib lang basta dahil sa pag tataka

Ano ba walang bago

Masanay ka na nga sa mga tao

May opinyon ano man magawa

Ya mabuti na ayusin ang sarili

Mo bago nasa paligid mo

Ano man maging hilig mo

Dapat ibigin mo

Layo ng nilibot ng paa paikot ikot

Ganon paren yung pakay ko tagumpay ay mahakot

Mga matang mapag masid sila yung natatakot

Pag mali nila napupuna gusto pang tinatago

Walang ibang sagot sarili lang naman

Kung meron din balakid di nako tatalaban

Kahit paulit ulit

Mangulit yung mga harang sa daan

Sila rin ang maiipit sa pinasok tandaan

Mga aral ihuhubog ka ng tama

Depende pano mo gamitin to na parang pana

Palagi sa maayos

Ang asta pati narin ang pag dala

Pansin mali pag kadapa pag ka tayo buo ko na

Mga pangarap nilalakad patago

Nasa bungo nilalabas gusto ren lumayo

Kung sino mang katabi kasama na lumago

Wag nyo kameng husgahan sa pinasok na mundo

Dama mo enerhiya pag kami lumalakad

Lagari sa umaga sa gabi pasalamat

Kasama mga tropang di lahat umamat

Pero maayos maglayag tinatawid mga dagat

Kamalayan ko ay pasipiko

Hindi na para talaban ng parasitiko

Walang puwang yung mga laway na

May asido lamon yan sa pagibig ko

Alam ko sa sarili minsan din akong malilito

Pero parte ng laro yan

Araw araw bagong katauhan

Laging binabago ng bagong natutunan

Minsan natutunaw

Tanong ko sa sarili ano ba tong napasukan

Tagal ng natauhan

Minsan nang biniro ng mundo at nabatukan

Nilunok mga maling akala nabulunan

Alam ko malala napero di pa to

Pero di pa to yon

Tunog na siguradong may mag yuyugyugan

Mga ulo na sumasabay nag aalugan

Siksik na mga letra ay nag uumpugan

Ano kanilang pangalan sabi sa bulungan

Walang pinag iba ang labas at kulungan

Masikip ay pinalawak gamit ang isipan

Nang yari nasa isip parang na ihipan

Alam mo kung bakit kasi pinag igehan

Kami yung akala mo chill lang sa buhay

Marunong mag dala kahit damit lang sa ukay

May dateng kame pumorma sa pag sulat ay mahusay

Etong pinapakinggan mo ang nag papatunay

Kami yung akala mo chill lang sa buhay

Marunong mag dala kahit damit lang sa ukay

May dateng kame pumorma sa pag sulat ay mahusay

Etong pinapakinggan mo ang nag papatunay

Wag mo sanang husgahan

Ang mga nilalaman

Gusto ko lang din naman

Nila maintindihan

Wag mo sanang husgahan

Ang mga nilalaman

Gusto ko lang din naman

Nila maintindihan

Mga buang mga buang

Yo

Ten nine six gang batang mandaluyong

Shoutout A C K

Yeah yeah yeah

More From 1096 Gang/Guddhist Gunatita/Youngwise/LUCI J

See alllogo

You May Like

Mga Buang (Cypher2) by 1096 Gang/Guddhist Gunatita/Youngwise/LUCI J - Lyrics & Covers