Mahirap ba'ng
Ipilit ang lumaban
'Pag hindi na kaya
Saan na kukuha ng lakas
Ibuhos man lahat-lahat
Wala pa rin itong pag-asa
Kung mag-isa kang lalaban
Sa pagtakbo ng oras
Unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas
Masisisi mo ba kung
Ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho
Oh ba't nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo
Tadhana ba ito
Kapag damdamin na'ng nagsalita
Wala ka nang magagawa
Kundi sundin ito kahit ayaw
Wala na ngang natitira
Lahat-lahat naglaho na
Konting pilit pa'y masusugatan
Bumitaw ka na
Sa pagtakbo ng oras
Unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas
Masisisi mo ba kung
Ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho
Oh ba't nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo
Tadhana ba ito
Tayo'y nagkamali
Tayo ay nasugatan
Maling galaw
Lahat ay sasabit
Ito na ba'ng huli
Tayo'y magpapaalam
Na sa ating nakaraan
At bibitawan
Masisisi mo ba kung
Ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho
Masisisi mo ba kung
Ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho
Oh ba't nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y papalayo
Tadhana ba ito