Halos lahat ay nagtatanong
Doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran
Na aking pinagmulan
Sila'y nalilito
Ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan,
Ako lang ang nakakaalam
Magulang ko'y ginawa
Na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay
Sa aking natutunan
Subali't iniwan ko
Ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan
Ako lang ang nakakaalam
Musika ang buhay
na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay
Kaya ngayon
Ako'y narito upang ipaalam
Na 'di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala'y di ko hangad
Na makamtan
Kung di ang malamang tama
Ang aking ginawa
Musika ang buhay
na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay
Musika ang buhay
na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay