menu-iconlogo
huatong
huatong
asin-masdan-mo-ang-kapaligiran-cover-image

Masdan Mo Ang Kapaligiran

Asinhuatong
res0vsmnhuatong
Lyrics
Recordings
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?

Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin

Hindi na masama ang pag unlad

Att malayo layo na rin ang ating narating

Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat

Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit huwag na nating paabutin

Upang kung tayo'y pumanaw man

Sariwang hangin sa langit natin matitikman

Mayroon lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang matitikman?

May mga puno pa kaya silang aakyatin

May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Bakit di natin pag isipan ang nangyayari sa ating kapaligiran

Hindi na masama ang pagunlad kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon ang mga ibong gala

Ay wala nang madadapuan

Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag

Ngayo'y namamatay dahil sa'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa Diyos kahit noong ika'y wala pa

Ingatan natin at 'wag nang sirain pa

Pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Mayroon lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

More From Asin

See alllogo

You May Like