Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw halos 'di ko makita
Tulungan mo ako ituro ang daan
Sapagkat ako'y sabik sa aking pinagmulan
Bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y nag iisa
Nais kong magbalik, sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak
Sa pagsibol ng araw hanggang dapit hapon
Malamig na hangin ang aking kayakap
Huwag sanang hadlangan ang aking nilalandas
Sapagkat ako'y sabik sa aking sinilangan
Bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y nag iisa
Nais kong magbalik sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak
Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak