Nang isilang ako sa mundo 
Kay ganda ng naging kapalaran ko 
Dahil sa inyo 
Landas ko'y ang gaan ng takbo 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Wala kang katulad sa mundo 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Salamat sayo mahal ka sa puso ko 
Kahit na minsan ay naliligaw 
Laging nandyan ka lang at gumagabay 
Itinutuwid mo ang isang pagkakakamali 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Wala kang katulad sa mundo 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Salamat sayo mahal ka sa puso ko 
Sa awiting kong ito'y pinadarama 
Na mahal kita 
Salamat sayo aking inay 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Wala kang katulad sa mundo 
Dakila ka inay sa buhay ko 
Salamat sayo mahal ka sa puso ko 
Dakila ka inay