Sa bawat araw na lumilipas
Nadarama ko ang paglingap mo
Di maitanggi Di maikukubli
Ang dakilang pag ibig mo
Alam kong di na ako malulumbay
Alam kong di na ako luluha pa
Kung makarating sa Paraiso mo
Pahintulutan mo sana na makapiling ka
Sa buhay na walang
Hanggan ay makasama ka
At dooy patuloy na mag aalay
Sa ‘Yo Ama
Mahirapan man sa’king paglalakbay
Magtatapat sa aral mong tunay
Akoy magtitiis Akoy maghihintay
Na makapiling ka Ama
Alam kong di na ako malulumbay
Alam kong di na ako luluha pa
Kung makarating sa Paraiso mo
Pahintulutan mo sana na makapiling ka
Sa buhay na walang
hanggan ay makasama ka
At dooy patuloy na mag aalay
Sana’y pakinggan mo ang samo ko
Sana’y pagbigyan mo ang puso ko
Pahintulutan mo sana
Na makapiling ka
Sa buhay na walang hanggan
Ay makasama ka
At doo’y patuloy na mag aalay
At doo’y patuloy na mag aalay
At doo’y patuloy na mag aalay..
Sa’yo Ama
Pahintulutan mo aking Ama