Hindi man araw- araw
Na nakangiti
Ilang beses na rin
Tayong humihindi
'Di na mabilang ang
Ating mga tampuhan
Away- bati natin
'Di na namamalayan
Eto tayo
Ngunit sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit- ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako palagi
Kung balikan man ang hirap
Luha't lahat
Ikaw ang paborito
Kong desisyon at
'Pag napaligiran ng
Ingay at ng gulo
'Di ko 'pagpapalit
Ngiti mo sa mundo
Eto tayo
Sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit- ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako
Sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Mahal sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa 'yo
Ulit- ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako palagi