menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Pag-Asa

Bandang Lapis/Syd Harthahuatong
miranda_hincehuatong
Lyrics
Recordings
Pagod ka na ba sa araw-araw?

Paulit-ulit, liwanag tila 'di na matanaw

Kung kailangan mo munang huminga

Walang mali kung isasantabi na muna

Bitawan nang malinawan

Kaya halika na't kumapit ka

Sama-sama nating harapin

Tatawanan na lang natin ang problemang dumarating

Kalimutan na lang natin ang nakaraang kay sakit

Darating din ang umagang magbibigay sa 'tin ng pag-asa

Sinusubok lang tayo ng panahon

Unti-unti tayong umahon sa mga pagsubok

Kahit mahirap o masakit

Basta't tibayan mo lang ang loob

Makakaya natin 'to, oh

At muling magbabalik ang sigla sa'ting mundo

'Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, whoa, whoa

Tawanan na lang natin ang problemang dumarating

Kalimutan na lang natin ang nakaraang kay sakit

Darating din ang umagang magbibigay sa 'tin ng pag-asa

Sinusubok lang tayo ng panahon

Sumabay, gumalaw, tara dito, sama ka

Kalimutan ang lahat, ipikit mga mata

Iwanan ang problema, magpakasaya, sumigaw

Tumalon hanggang problema'y mawala

Mga mali mong nagawa, 'wag ka matakot balikan

Lagi mong tatandaan na mayro'n lahat dahilan

Ang tangi mong gawin, dapat lagi sabayan

Ang mga pagsubok, dapat 'wag mong takbuhan

Wala na dapat pa na problemahin

Bawat pagsubok ating kakayanin

Mga problema at mga pasanin

Lahat 'yan mawawala, matutupad mo ang hangarin

At muling magbabalik ang sigla sa 'ting mundo

'Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, whoa

Tatawanan na lang natin ang problemang dumarating

Kalimutan na lang natin ang nakaraang kay sakit

Darating din ang umagang magbibigay sa 'tin ng pag-asa

Sinusubok lang tayo panahon (sinusubok lang tayo)

Sinusubok lang tayo

Sinisubok lang tayo ng panahon

Sumabay, gumalaw, tara dito, sama ka

Kalimutan ang lahat, ipikit mga mata

Iwanan ang problema, magpakasaya, sumigaw

Tumalon hanggang problema'y mawala

Mga mali mong nagawa, 'wag ka matakot balikan

Lagi mong tatandaan na mayro'n lahat dahilan

Ang tangi mong gawin, dapat lagi sabayan

Ang mga pagsubok, dapat 'wag mong takbuhan

More From Bandang Lapis/Syd Hartha

See alllogo

You May Like

Pag-Asa by Bandang Lapis/Syd Hartha - Lyrics & Covers