Ang matapat kong pag- ibig
'Ginanti mo ay pasakit
Ikaw na aking iniibig
Nagdurusa puso ng hinagpis
Kung ikaw ma'y salawahan
Di 'ganong ako'y magdaramdam
Ang masakit sa aking kalooban
Umalis ka ng walang paalam
At pati ang mga ala- ala
Sa buhay ko mahalaga
Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala
Walang iniwan ka kundi dusa
Kung ito mang kapalaran
Magtitiis ako aking mahal
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay
Doon sa langit ay maghihintay
Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala
Walang iniwan ka kundi dusa
Kung ito mang kapalaran
Magtitiis ako aking mahal
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay
Doon sa langit ay maghihintay
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay
Doon sa langit ay maghihintay