menu-iconlogo
logo

Kulang

logo
Lyrics
Oh, kulang na ba?

Oh, karapat-dapat ba ako?

Sa pagmamahal mo ba ako'y nagkulang?

'Di pa rin nag-iiba, dala ng puso ko

Sa isip ko'y sa 'yo pa rin umiikot ang mundo

Ang puso mo'y walang imik, hindi na ba sapat

Ang yakap at mga halik, ang puso kong tapat?

Hindi magbabago

Ang nadarama ko sa 'yo

Kahit ika'y lumisan

Patungo sa yakap ng iba

Oh, kulang na ba

Ang pagmamahal na 'di ko ipinagkait?

Sadya lang bang nagkulang ako?

Oh, karapat-dapat ba ako?

Sa pagmamahal mo ba ako'y nagkulang?

Ako'y nagkulang

'Di pa rin nalilimot mga pangako mong

Pag-ibig mo'y sa akin lang, ako hanggang dulo

Ngiting hindi magbabalik, ngiting galing sa 'yo

Ako ang 'yong hinahalik, pero 'di ang mahal mo

Hindi magbabago

Ang nadarama ko sa 'yo

Kahit ako'y matalo

Maghihintay pa rin sa 'yo, oh sinta

Oh, kulang na ba

Ang pagmamahal na 'di ko ipinagkait?

Sadya lang bang nagkulang ako?

Oh, karapat-dapat ba ako?

Sa pagmamahal mo ba ako'y nagkulang na ba?

Ang damdamin ko'y 'di na nagtipid

Buong puso kong inisip na nagkulang ako

Ano ba ang mayro'n sa kanya

Na sa akin ay nakita mong may kulang?

'Di pa rin nag-iiba, dala ng puso ko

Sa isip ko'y sa 'yo pa rin umiikot ang mundo