menu-iconlogo
logo

Karera - BINI

logo
avatar
Binilogo
ਏਓ∙🅼︎🅁🌰☆⃟𝑱𝑨𝒀TᗩᑕᕼIO∙࿐logo
Sing in App
Lyrics
Karera - BINI

[Stacey] Minsan ay nahuhuli

Ang sarili na nag-aalala, ah

Mga bagay na 'di kontrolado pinoproblema

Pero teka lang

[Jhoanna] Meron bang humahabol sa'yo? (Oh-oh, ooh-woah, oh-oh, ooh-woah)

'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, ooh-woah, ooh-woah, oh

[Gwen] Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan

[Colet] Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

[Mikha] Oh, oh-oh-oh

'Wag mag-alala, buhay ay 'di karera

[Maloi] Woah, oh-oh, oh, ooh-woah

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

[Mikha] Buhay ay, oh-oh

[Aiah] Minsan ay nalilimutang huminga sandali

Magpahinga lang saglit (Oh-oh, oh-oh, oh-oh)

At 'di kailangang magmadali para magwagi

Pwedeng unti-unti

[Colet] Wala namang humahabol sa'yo, ooh-woah (Oh-oh, ooh-woah, oh-oh, ooh-woah)

'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, ooh-woah, ooh-woah, oh

[Sheena] Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan

[Maloi] Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

[Gwen] Oh, oh-oh-oh

'Wag mag-alala, buhay ay 'di karera

[Jhoanna] Woah, oh-oh, oh, ooh-woah

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

[Colet] Oh-woah, oh, woah, oh

[Gwen] Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ah, ah-ah, yeah, yeah

[Jhoanna] Buhay ay 'di, oh-oh, 'di karera

[Maloi] Buhay ay 'di karera, oh-oh

[Stacey] Hey, hey, BINI

Maraming beses nangamba, nadapa, tumaya

Naniwala sa mundong madaya, uh

Ano nga ba? Sino nga ba? Ikaw ba? O ako ba?

Hinay lang, 'wag bahala —hala

[Mikha] Yah, 'wag ka nang maniniwala sa paniniwala

Na dapat makipag-unahan sa karera

Kung wala namang karera, dahan-dahan lang, tahan lang

Kakayanin umpisa pa lang

[Maloi] Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan

[Jhoanna] Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

[Sheena] Oh, oh-oh-oh

'Wag mag-alala, buhay ay 'di karera

[Colet] Woah, oh-oh, oh, ooh-woah

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

[Aiah] Walang masyadong mabagal, walang mabilis

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis

Hingang malalim lang at tandaan

Ika'y may hawak ng iyong hakbang

[Mikha/Stacey] Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Oh)

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (Oh)

Hingang malalim lang at tandaan (Oh)

Ika'y may hawak ng iyong hakbang (Buhay ay 'di karera)

[Gwen/Sheena] Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Oh, oh)

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis ('Wag mag-alala)

Hingang malalim lang at tandaan

Ika'y may hawak ng iyong hakbang (Yeah, yeah)

[All] Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Ooh, ooh)

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis

Hingang malalim lang at tandaan (Dahan-dahan lang)

Ika'y may hawak ng iyong hakbang (Buhay ay 'di karera)

- JAYTACHIO -

Karera - BINI by Bini - Lyrics & Covers