Ito ay kwento ng isang babae na nagpapagamit
Sa kung kani-kaninong mapeperang lumalapit
Upang mabili nya lamang ang kanyang mga gusto
Hindi sya nakaiwas sa mapaglarong tukso
Lagi ka lang inaalila ng mga ibang dayuhan
Ilang ulit ka na namin araw araw kung payuhan
Di ka ba nasasakal andami sayong nakahawak
How ironic na ginamit ka kaya ka nawawasak
Di ka na ba naawa sa sariling katawan
Basta bayaran ka ay ayos lang kahit paglaruan
Nagbulag-bulagan ka hindi nakakapagtaka
Hindi ka naman ganyan dati nung bata bata ka pa
Pwedeng buksan mo yong mata balik mo yung dating ikaw
Kailangan marinig ang boses ng hindi sumisigaw
Wag mong hayaan na gamitin ka pilitin mong umiwas
Kilala nyo na ba sya nga pala si Pilipinas
KORO :
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Anong nangyari nasan na ba yung dating ikaw?
Kumupas naba ang pula asul at pagka dilaw
Pilitin mong buksan ang puso't isip mong naka sarado
Hindi ka makabayan kung hindi ka makatao
Ano ba ang nangyayare kay magandang pilipinas
Walang suot na kamiseta habang hinihimas
Ang maselang bahaghari ng ibat ibang lalaki
Natatalo ka palagi sa larong nakikihati
Lunok ka ng malalim at pikit matang ibaling
Kung hindi na masikmura ay pilitin mong kayanin
Kasi dun kana nasanay ayaw nya na magbago
Basta malaki ang kita nako po ay sigurado
Na namang magpapagamit bakit di ka nagagalit
Lagi kang napapasubo di ka paba nangangawit
Sumusugal ka lagi ng hindi ka sigurado
Kailangan mong pakinggan ang boses ng mga tao.
KORO :
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Nilalapitan kita lagi ikaw yung lumalayo
Ang gusto ko lang naman ay kausapin mo ako
Bakit ka nagkaganyan laging sumusunod sa senyas
Hinahayaan mong ninanakawan ka ng perlas
Pilipinas ano ba? di ka parin ba mulat
Kinuha na nila yung bunga binigay mo yung ugat
Kailangan magising kana sa kung anong katotohanan
Dati kang nirerespeto bat ngayon binabayaran
Lahat nakikinig pag pera ang nagsalita
Lalong lumalawak ang sistema nating kaliwa
Kaya nga pilipinas ano bang nangyari sayo?
Si marcos lang ba talaga makakaayos sayo
Kung di ka parin magbabago iiwanan na kita
Sa kalagayan mo ngayong nagpapagamit sa iba
Kundi mo man to marinig basta kilala nyo na
Si Pilipinas ang babaeng dati lang maganda.
KORO :
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Pilipinas matanong ko lang buhay ka pa ba?
Napambili mo ba ng luho ang binayad nila?
Nagamit mo ba ng maayos mga pera nila
Eh sa sarili mong sistema ay kinaen ka na
Di kana ba talaga magbabago nagpapagamit ka sa mga dayo
Ano ba to bat nakakalito mas pinili mong dumaan sa paliko
Dapat ingatan mo na ang sarili sa panahon ngayon wala ng libre
Bakit ka nagpaka puso sa mangangaso na wala na yung malaking tigre
Dati? di ba ang ganda ganda ganda mo pa dati
Bakit sa kung kani-kanino ka nagpapadale
Di-di-di-di ka na makawala kanino ka pa ba may utang?
Di mo ba kayang tumingala sa dami mo na pagkukulang
Ikaw lang din naman ang sumisira sa sariling katawan
Di ka naman namin pinabayaan at sinusubaybayan
ka lagi namin pero di mo kami pinapakinggan
Hindi mo na madidikit kapag nabasag ang pinggan