menu-iconlogo
logo

Dear Biyenang

logo
Lyrics
Mula nang umpisang nakita ko siya at nakilala

Alam ko siya na talaga ang gusto kong mapangasawa

Di' ko po kaya mawala pa siya sakin

Lahat ay aking hahamakin

Parasa pag mamahalan naming dalawa

Pagkat' siya lang po ang nagpakita nang tunay na

Kahulugan ng pag ibig sakin nagbigay saya

Sa araw araw naming pag sasama

Napatunayan ko pong totoo ang lahat ng ito

Kaya kahit saan pang simbahan

Handa ko pong pakasalan ang anak niyo

Ang nais ko lang ay anak niyo ay aking pakasalan

Kahit saan mang simbahan para lang inyo hong' malaman

Sukdulan hanggang langit aking nararamdaman

Di' na kaya pang ipagpaliban

Kaya sana po'y iyong payagan

Na maihatid sa altar kaming dalawa ay ikasal

At buong buhay ko'y ilaan upang mapasaya lang

Saking piling ang inyong anak

Siya lang ang tinatanging babae

Karugtong ng buong buhay ko

Kaya't sana ay pag bigyan magkasama kaming dalawa

Siya lang ang tinatanging babae

Ang tulad niya saki'y walang kapalit

Basta't alam ko lang tapat at lubusan ang pag ibig ko

Sa iyong anak

May gusto pong sabihin ang aking mga labi

Kahit po naiilang naiilang sabihing akin na lang siya

Siya kasi siya kasi masiyado niyang pinaramdam sa akin na

Iba siyang mag alaga kaya nandito po ako ngayon

Hindi makalingon nag hihintay po nang tugon galing sa inyo

Anumang desisyon ipag lalaban ko po

Mang yari po tayo'y magkasundo

Sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko

Sana'y payagan niyo na

Kaming dalawa'y magpakasal sa lalong madaling panahon

Kamusta po nawa'y nasa maayos

Naparito po ako para idaos

Ang isang salo salo kung tawagin ay hapunan

Samahan niyo po ako at ating pag usapan

Sa totoo lang ang hirap pong ipaliwanag

Simpleng sagot ng oo gusto ko na mapanatag

Ang kalooban ng bawat isa'y yakapin

Pag buklodin ang pag ibig ang aking hangarin

Malinis at dalisay pangako habang buhay

Ko pong mamahalin ang anghel na nag pakulay

Na siya pong nag aalis ng pagod niyo sa magdamag

Isang halik lang sa pisngi walang utos niyang nilabag

Mga pangaral at pangako tanging yamang nakamit

Ito na po ang panahon para suot nya ang damit

Na siya pong mag niningning sa araw na itinakda

At ang karwahe ng pag mamahal ang siyang mag dadala

Sa amin sa altar

Salamat po dahil

Sa pamilya niyo galing ang babaeng nakapag sabing

Mahal niya rin ako ramdam ko po ang pag ibig

Habang siya'y nakatitig sa akin

Siya po ang nagmulat ng salitang pagbabago'y

Di malabo sa katulad kong naging bilanggo

Nang hindi matuwid na pagkatao

Siya po ang babaeng pinapangarap kong makasumpaang

Makasama sa darating pang panahon

At walang iwanan hirap o kasaganahan

Basbasan nyo po ako itaga niyo sa bato

Ako po ay magiging mabuting ama ng inyong mga apo

Walang ibang hahangarin kung hindi mabigyan

Nang magandang kinabukasan ang pamilyang aming nabuo

Sa tulong po ninyo't gabaykami ay mag lalakbay

Sa lahat ng bagay buo at mag kasundo

Huwag po kayong mag alala aalagaan ko po ang inyong prinsesa

Kami po'y mag sasama sa matuwid na sistema

Isang pamilyang laging puno ng pag ibig na taos

Mamumuhay nang maayos at lagi may takot sa diyos