Bakit kailangang puso ay masaktan
Bago maintindihan
Ang siyang nararamdaman
At kahit iwasa'y naro'n sa damdamin
Yakap at mga halik
Ay nadarama pa rin
Dahil tanging ikaw ang siyang lahat
Nang mawalay ka nang minsa'y
Hindi ko matanggap
Kulang ang sandali pag ika'y wala
Sadyang kapag wala ka'y
Wala rin ang tuwa
Kung ang 'yong puso'y
May mahal nang iba
Di pa rin magbabago
Ang aking nadarama
Ako ay aasang magbabalik pa rin
Ang iyong pagmamahal
At ang dating pagtingin
Dahil tanging ikaw ang siyang lahat
Nang mawalay ka nang minsa'y
Hindi ko matanggap
Kulang ang sandali pag ika'y wala
Sadyang kapag wala ka'y
Wala rin ang tuwa..
Bakit kailangang puso ay masaktan
Bago maintindihan
Ang siyang nararamdaman
Kahit iwasa'y naro'n sa damdamin
Yakap at mga halik
Ay nadarama pa rin
Dahil tanging ikaw ang siyang lahat
Nang mawalay ka nang minsa'y
Hindi ko matanggap
Kulang ang sandali pag ika'y wala
Sadyang kapag wala ka'y
Wala rin ang tuwa
Dahil tanging ikaw ang siyang lahat
Nang mawalay ka nang minsa'y
Hindi ko matanggap
Kulang ang sandali pag ika'y wala
Sadyang kapag wala ka'y
Wala rin ang tuwa