Panatang Makabayan 
Iniibig ko ang Pilipinas 
Ito ang aking lupang sinilangan 
Ito ang tahanan ng aking lahi 
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan 
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang 
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang 
Tutuparin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan 
Susundin ko ang mga tungkulin 
Ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas 
Paglilingkuran ko ang aking bayan 
Nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan 
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino 
Sa isip, salita, at sa gawa