Binuhay mo ang puso kong walang sigla
Pinawi mo ang luha kot pag durusa
Dahil sayo anong tuwa ang nadama
Ang langit koy ikaw Pala
Ngunit isang araw bigla kang nag bago
iniwan mo ang puso kong litot gulo
Ala ala ang syang naging kapiling ko
Ang dahilan ba ay ano
Araw gabi hinahanap hanap kita
Pangalan moy tinatawag tawag ko pa
Larawan moy hinahagkan hagkan twina
Sadyang minamahal Kita
May halaga pa ba ang buhay kong ito
Ngayong ikay nawalay na sa piling ko
Ano kaya ang gagawin ng tulad ko
Labis ang pag ibig sayo
Ano kaya ang gagawin ng tulad ko
Labis ang pag ibig sayo