Kung dati ay wala akong problema
Lahat ng bagay ay kayang kaya
Kahit ano ay pwede kung subukan
Ang bawal ay diko iniinda
Mula gabi maging hanggang umaga
Tuloy ang buhay na anong saya
Ang pagtanda ay diko na kikita
Kasi noon ako ay bata pa
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humuhina
Kay hirap paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Ngayon kay dami ng inaalala (inaalala)
Gustong gawin ay diko na makaya (diko na makaya)
Kulang nalang palagi ay may yaya (laging may yaya)
Dahil kung minsan ay ulyanin na
Mabuti pa ay tanggapin na lamang (tanggapin na lamang)
Ang pagtanda ay di maiiwasan (di maiiwasan)
Bastat sa kapwa ay may kabutihan
Ikaw ay may pinagkatandaan
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humuhina
Kay hirap paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Ang tamay magkunwari nalang
Na bata upang maramdaman
Ang buhay ay tunay ngang ganyan
Ang pagtanda ay ating hantungan
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humuhina
Kay hirap paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Sadyang ganyan kapag matanda na
Kay hirap ng ikay matanda na