Giliw ko kumusta na
Ang buhay sa ibang bansa
Ikaw pa ba'y lumuluha
Dahil sa'kiy nawalay ka
Aking sinta hayaan mo
Ang pagtulo ng luha ko
Pagkat ako'y nanibago
Ngayong wala sa piling mo
Sabihin mo, oh bakit ba
Sa akin ika'y lumisan pa
Ako'y sanay sa umaga
Ikaw ang unang makita
Pasensya na aking sinta
Pagkat ika'y nadamay pa
Kalungkutang nadarama
Pagdusa mo'y di ko sadya
Pinilit ko ang lumayo
Labag man sa kalooban ko
Pagkat ako'y mahirap lang
Pag iipon ay kailangan
Ako'y babalik na may dala
Para sa aking prinsesa
Kamay mo ay hingin ko na
Mula sa'yong Mama't Papa
Di ko hangad ang karangyaan
Ako'y laki sa hirap lang
Ang gusto ko'y kapiling ka
Hanggang sa aking pagtanda
Kapit lang aking sinta
Sa akin ay magtiwala ka
Kahit ako ay malayo
Nag iisa ka sa puso ko
Aking sinta mangako ka
Sa puso mo'y walang iba
Pagkat sobrang mahal kita
Ako'y sa'yo, at akin ka
Pakiusap ko sa iyo
Sarili mo'y alagaan mo
Ako sayo'y maghihintay
Pagkat mahal kitang tunay