Humingang malalim, pumikit na muna 
At baka-sakaling namamalikmata lang 
Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa? 
'Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa 
Binaon naman na ang lahat 
Tinakpan naman na 'king sugat 
Ngunit ba't ba andito pa rin? 
Hirap na 'kong intindihin 
Tanging panalangin, lubayan na sana 
Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita 
Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa 'king kamay 
Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa 
Hindi na makalaya 
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi 
Wala mang nakikita 
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim 
Hindi na nananaginip 
Hindi na ma-makagising 
Pasindi na ng ilaw 
Minumulto na 'ko ng damdamin ko 
Ng damdamin ko 
'Di mo ba ako lilisanin? 
Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Damdamin ko) 
Hindi na ba ma-mamamayapa? 
Hindi na ba ma-mamamayapa? 
Hindi na makalaya 
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi 
Wala mang nakikita 
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim 
Hindi na nananaginip 
Hindi na ma-makagising 
Pasindi na ng ilaw 
Minumulto na 'ko ng damdamin ko 
Ng damdamin ko 
Hindi mo ba ako lilisanin? (Makalaya) 
(Dinadalaw mo 'ko bawat gabi) hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? 
(Wala mang nakikita) hindi na ba ma-mamamayapa? 
(Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim) hindi na ba ma-mamamayapa?