Salamin
An Original Music Composition
By: The Cyche
Dito kalang sa aking tabi
At sa takip silim
Ay papawiin
Ko ang pait,
Takot at pighati
Pipilitin kong maibalik ang ngiti.
Ohh.
Sa aking bisig ika’y umidlip,
Limutin mo ng saglit
Tumahan na’t
Mata’y iyong ipikit
Sumaliw sa simoy ng hangin.
Hawakan mo ang aking kamay
Halina’t ikaw ay humimlay
Sa panaginip, tayo ay maglakbay
Sa yakap ko ay isasayaw
Isasayaw
Ika’y sasayaw
At isasayaw
Sa panaginip.
Mananaginip
Isasayaw
Sana'y makapiling