Ikaw na ang may sabi,
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag ibig
Mo'y di mag babago
Ngunit bakit sa twing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
Di ba nila alam, tayo'y nag sumpaan, na ako'y sayo
At ika'y akin lamang
Kahit anong mangyari,
Pag ibig ko'y sayo pa rin
At kahit ano pa, ang
Sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang
Ako'y nasa langit na
At kung di ka makita
Makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin, at sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan,
Na ako'y sayo at ika'y akin lamang
Umasa kang mag hihintay ako
Kahit kailan
Kahit na umabot pang
Ako'y nasa langit na
At kung di ka makita,
Makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin, at
Sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan,
Na ako'y sayo at ika'y akin
Lamang