menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

lipad ng pangarap

Dessahuatong
onarafittabhuatong
Lyrics
Recordings
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo

Ang pangako ng walang hanggang bukas

Pabaon man sayoy hapdi ng puso

Aabutin ang pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap

Pag unlad nitong bayang nililiyag

Kapalit ng dalamhati't paghihirap

Pag angat ng kabuhayang marilag..

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga

ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi.

(instrumental)

Tutularan ka ng sunod na salin lahi

Kapuri puring pag aalay ng lakas

Nagpupugay sa makabagong bayani

Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga

ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi..

Ingatan mo ang lipad nang pangarap

Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay

Kam'tin mo sa dulo ng

lahat ng iyong pagpapagal

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay...

Ang tamis na dulot ng iyong...tagumpay

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay...

More From Dessa

See alllogo

You May Like