Kahit na mahal magmahal
Kung burado na ang salitang magkano
At wala nang bilang ang isa dalawa o tatlo
'Di masusukat ang kahit anong numero
Ang malambing na pagtingin mo mahal ko
'Di kailangan palaging magarbo
Magarang damit plantsado at bagong sapatos
Alam kong hatid- sundo ka ng parents mo
Pasensya ka na kung walk trip lang tayo
Oh oh- oh hindi ito mabibili
Ang pagtingin ko sa'yo bhie
Hug mo ako nang mahigpit
Palapit walang mas hihigit
'Di na magtitipid
Itataya ko hanggang langit
Kahit na mahal magmahal
Ako'y tatawad nang husto
Maubos man ako sigurado
Tataya pa rin sa'yo
Ibibigay mo nga ba dapat ang lahat
Kapag nagmamahal ka ng totoo
Kung ang sagot mo ma'y
Hindi pasensya na
Ah ah ah ouch magkasalungat
Malabo man na mangyari push ko pa rin 'to pri
Magmukha mang tanga gano'n talaga mahal kita
Oh oh- oh hindi ito mabibili
Ang pagtingin ko sa'yo bhie
Hug mo ako nang mahigpit
Palapit walang mas hihigit
'Di na magtitipid
Itataya ko hanggang langit
Kahit na mahal magmahal
Ako'y tatawad nang husto
Ako'y tatawad ooh ako'y tatawad nang husto
Maubos man ako sigurado
Tataya pa rin sa'yo
Ako ay tataya ako ay tataya
Kahit na mahal magmahal
Ako'y tatawad nang husto
Ako'y tatawad ooh ako'y tatawad nang husto
Kahit na madalas akong talo
Tataya pa rin sa'yo
Ako ay tataya ako ay tataya
Kahit na mahal magmahal
Ako ay tatawad nang husto
Kahit na mahal magmahal
Ako ay tatawad nang husto