menu-iconlogo
logo

Sansinukob

logo
Lyrics
Madilim ang salamin nagtatagong mga bituin

Sa likod ng ulap at 'di ko maamin

Nakasimangot ang buwan

Sumisinag maliwanag tila bakit 'di ko ramdam

'Di ko maintindihan

Sana'y nakikita ng 'yong mata sinta

Kung sa'n sinubukan ko

Kung sa'n sinukuan ko

Pundido na ang sikat ng araw

Nakakabulag sa paningin

Nananatiling takipsilim

Naghihintay sa langit

Mga hiling 'di na tanaw bilang na ba'ng mga bulalakaw

'Di ko maintindihan

Sana'y nakikita ng 'yong mata sinta

Kung sa'n sinubukan ko

Kung sa'n sinukuan ko

Sana'y naririnig mula sa daigdig

Langit ba talaga ang siyang magpapasya

Sansinukob sa'n susuko

Sansinukob sa'n susuko

Ang bawat apak at bakas mga tinahak na landas

Lumihis ba ang daan

O sadyang 'di lang tinadhana

Ang bawat apak at bakas (sansinukob)

Mga tinahak na landas (sansinukob)

Lumihis ba ang daan (sansinukob)

O sadyang 'di lang tinadhana