menu-iconlogo
logo

Hindi Mo Na Ba Minamahal

logo
Lyrics
Napapansin kong tila may pagbabago ka

Hindi ka na kasing lambing noong una

Ngayo'y lagi ka nang nagtatampo

Nahihirapan na ako

Ano ba ang nangyayari sa 'yo

Bihira na kung tayo ay namamasyal ngayon

At kung nag-uusap ay 'di na 'sing saya noon

Sabihin mo na nga sa 'kin

Ikaw pa ba'y may pagtingin

Nasasaktan na ang damdamin ko

Hindi mo na ba minamahal

Hindi mo na ba hinahanap

Ang tamis ng ating pagmamahalan

Ayaw mo na ba ang yakap ko

Nagbago na ba'ng damdamin mo

Sabihin mo sa akin tapat

Hindi mo na ba minamahal

Ooh

Hinihiling ko lang na sana ay magbago ka

Umaasa pa rin ako'y minamahal mo pa

Pag-ibig ko'y tapat sa 'yo

Hinding-hindi maglalaho

Kahit ngayong nasasaktan ako

Hindi mo na ba minamahal

Hindi mo na ba hinahanap

Ang tamis ng ating pagmamahalan

Oh, ayaw mo na ba ang yakap ko

Nagbago na ba'ng damdamin mo

Sabihin mo sa akin tapat

Hindi mo na ba minamahal

Oh hoh, hindi mo na ba minamahal

Hindi mo na ba hinahanap

Ang tamis ng ating pagmamahalan

Oh, ayaw mo na ba ang yakap ko

Nagbago na ba'ng damdamin mo

Sabihin mo sa akin tapat

(Hindi mo na ba minamahal)

Hindi mo na ba minamahal

(Ayaw mo ba ng yakap ko)

Ayaw mo na ba ang yakap ko

Nagbago na bang damdamin mo