menu-iconlogo
huatong
huatong
eliza-maturan-museo-cover-image

Museo

Eliza Maturanhuatong
bearingpointhuatong
Lyrics
Recordings
Ilang oras na akong andito

Umuwi na nga ang tropa ko

Sino ba naman kasing mag-aakala

Sa larawan ay matutulala?

Sa likod ng tanawin

Tila may tumatawag sa 'kin

'Di ko na namalayan

Papalapit na pala'ng hakbang

'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan

Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan

'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari

Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan

Tinatawag ako ng 'yong anino

Naririnig ko rin ang boses mo

Hindi na nga nila ako maunawaan

Nababaliw na raw sa simpleng larawan

Maaari bang

Manatili na lang sa museong ito?

'Di ko na namalayan

Biglang ayoko na lang lumisan

'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan

Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan

'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari

Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan

Kay sarap pagmasdan

Kahit na ilang araw, taon, at buwan

Hindi man maintindihan ng iba

Tila ako'y nakaramdam ng mahika

'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan

Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan

'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari

Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan

More From Eliza Maturan

See alllogo

You May Like