Pag ibig
Ang siyang pumukaw
Sa ating puso
At kaluluwa
At siyang nagdulot
Sa ating buhay
Liwanag sa dilim
At pag asa
Pag ibig
Ang siyang buklod nating
'Di mapapawi
Kailan pa man
Sa puso't diwa
Tayo'y isa lamang
Kahit na tayo ay
Magkawalay
Pagkat ang DIYOS nati'y
DIYOS ng pag ibig
Magmahalan tayo't,Magtulungan
At kung tayo'y bigo
Ay h'wag limutin
Na may DIYOS tayo't may
Nagmamahal
Sikapin
Sa 'ting pagtungo
Ipamalita
Sa buong mundo
Pag ibig ng DIYOS
Na Siyang sumakop
Sa bawat pusong
Uhaw sa pagsuyo
'Pagkat ang DIYOS nati'y
DIYOS ng pag ibig
Magmahalan tayo't,Magtulungan
At kung tayo'y bigo
Ay huwag limutin
Na may DIYOS tayo't may
Nagmamahal
Nagmamahal