Tapat ang puso ko
At ito'y hindi magbabago
Pagka't pag ibig ko
Ay tanging para sa 'yo
Wag sanang mangyari
Matukso ako ng sandali
Pagka't ang tukso ay
Madaling nagwawagi
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako
Di kayang sabihin
Na ako'y di magdadarang din
Pagka't ako'y tao
May puso't damdamin
Ngunit kung kaya ko
Ako ay hindi padadaig
Sa tuksong kayrami nang
Winasak na damdamin
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako.
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha...