Bahala na
Sabi ng karamihan
Ugali na hindi maiwasan
Sa gawain, maging sa pamumuhay
Hindi malimot ang wikang "bahala na"
"Bahala na," kahit na sa pag-diga
Ang binatang uhaw sa pagsinta
Pinipilit mabola ang dalaga,
At kung Ang "Oo'y" makamit "bahala na!"
Ewan ko ba kung bakit nga ganyan,
Kahit na kailanman
Sa anumang iyong ginagawa,
Bahala na'y hindi nawawala
Bakit kaya, tayo'y ganyan,
Bukambibig "bahala na?"
Bahala na sabi ng karamihan!
Bahala na ngayon at kailanman!
Bahala na hindi malilimutan!
Bukambibig nating lahat araw-araw!
Bahala na anuman ang mangyari!
Bahala na handa nang magtiis!
Bahala na sa buhay at pag-ibig!
Kahit ligaya o lumbay "bahala na!"