menu-iconlogo
logo

Buhay

logo
Lyrics
Buhay nga ba'y sadyang ganyan

Ang hirap ay 'di natin maiwasan

Kalungkutan ay lagi na lang

Kasiyahan ay minsan lang makamtan

O buhay

Kahit sa mga mayaman

Ay 'di lubos ang kanilang kasiyahan

Sa buhay ng mahirap ay gayon din

Lalo pa't kay dami mong mga utang

O buhay

Kaya ang dapat nating gawin

Maglibang-libang at ating limutin

Buhay ng tao'y sadyang ganyan

'Di mo na dapat na pagtakahan

O buhay

O buhay

Sadyang ganyan

Buhay by Freddie Aguilar - Lyrics & Covers