Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y 'wag mong intindihin
Makakaraos din
Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awitin
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na din
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Para ring kapiling ka
Mahal kamusta ka
Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madarama
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Para ring kapiling ka
Mahal kumusta ka
Kumusta ka aking mahal
Sana ya nasa mabuti ka
Ako'y wag mong intindihin
Nakakaraos din
Kumusta ka aking mahal.