Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awitin
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na rin.
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Parang kapiling ka
Mahal, kumusta ka.
Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madadama.
Awit ko’y iyong pakinggan
at laging tatandaan
Mahal kita, pag ibig ko’y
tanging sa iyo sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako sana’y laging magkapiling
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo?
Ang sabi mo’y ako ang
tanging nasa puso mo
Hanggang wakas dimaglalaho
Pangako mo’y di magbabago
Naaalala mo pa ba mahal ko?
‘Di ko na kaya na humanap pa ng iba
Pagka’t ikaw lang ang tanging sinasamba
Alam mo bang kapag kapiling ka
Bawa’t sandali ay walang kasing ligaya
Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw
Pati ang isip ko’t damdamin ay humihiyaw
Buhay kong ito’y walang halaga
Kung ang pagmamahal mo ay mawawala pa
Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw
Pati ang isip ko’t damdamin ay humihiyaw
Pagmamahal mo lang ang tanging pag asa
‘Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka
Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw
Pati ang isip ko’t damdamin ay humihiyaw
Buhay kong ito’y walang halaga
Kung ang pagmamahal mo ay mawawala pa
Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw
Pati ang isip ko’t damdamin ay humihiyaw
Pagmamahal mo lang ang tanging pag asa
‘Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka