menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Pag ibig Lang

Gary Granadahuatong
sbpimpinn03huatong
Lyrics
Recordings
"PAG IBIG LANG"

by Gary Granada

Music virj

ako ang dulo at ikaw ang umpisa

dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa

ika’y apoy, ako ay tubig

duda ko’y iyong pananalig

ang tiyak sa iyo ay aking pangamba

ako’y maghapon at ikaw ay magdamag

ika’y matapang kung saan ako duwag

ang iyong huli ay siya kong una

madali mo’y di ko kaya

at ang aking sige ay siya mong huwag

at pag tayo’y nag uusap

parang lupa’t alapaap

nagtatalo ang sigaw at ang bulong

sala sa ikli at haba

parang timog at hilaga

di mahuhulaan kung saan hahantong

bakit hanggang ngayon tayo ay narito

at may kutob akong kapwa natin gusto

paano mo maipaliwanag

kung paano di natitinag

at pagkakaiba ay di naging hadlang

dahil kaya pag magkasama’y masaya

may kaagapay o kaya

baka naman pag ibig lang

(interlude)

sala sa ikli at haba

parang timog at hilaga

di mahuhulaan kung saan hahantong

bakit hanggang ngayon tayo ay narito

at may kutob akong kapwa natin gusto

paano mo maipaliwanag

kung paano di natitinag

at pagkakaiba ay di naging hadlang

dahil kaya pag magkasama’y masaya

may kaagapay o kaya

baka naman pag ibig lang

To get more songs to keep me motivated

in making more of them

Please like

More From Gary Granada

See alllogo

You May Like