menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Di Na Babalik

Guddhist Gunatitahuatong
moluperohuatong
Lyrics
Recordings
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit

Pag tapos ng misyon ko hindi nako babalik

Buhay ay sulitin na

Alam nyo wala naman tayong choice eh

Kundi gampanan yung pagkabuhay na to

Binagsak tayo dito ng wala tayong alam

Kung kailan tayo lilisan wala din tayong alam

Isang beses lang may mabubuhay na kagaya ko

Wala kang makikita na kasing ligaya ko

Sabi ng tropa ko, buti daw kinaya ko

Mag bago kahit na walang supporta na natatamo

Alam mo ang sarap sarap mabuhay

Mundong madilim ikaw lang din ang siyang kukulay

Lahat ng pangyayari ay sayo nakasalalay

Gabay ang itaas ngunit ikaw ang syang patunay

Na kaya mo mag lakbay ng mag isa

Na kaya mo sumulong kahit na bigat dala

Anong maitutulong sayo ng pagalala

Kung hindi karin kikilos ay walang mapapala

Kagaya mo ako ay dalang dala na

Hirap mag tiwala kaso eh ano pa nga ba

Kailangan mong umasa kahit na walang pagasa

Ganyan lamang ang buhay umiikot lang sa chansa

Natural lesson natin na mag kamali

Mga supresa ng mundo minsan ay mahapdi

Kanino uuwi kapag ayaw mong umuwi

Kapag gusto mong mag timpi

Kapag gusto mong ngumiti

Kanino pa nga ba? Edi sakanya

Dun sa itaas

Sa may likha ng araw at buwan

At mga bitwin

Aminado minsan nagka sungay ang kagaya ko

Pasensya na kong isa ka sa nasugatan ko

Ipagpatawad mo, panahong litong lito

Di ko tinatanggi pero hindi ko yun gusto

Alam mo bang dami kong pinagbayaran

Mga kasalanan na nag dulot na ng aral

Kaya ngayon hinding hindi ko hahayaan

Na mapabayaan pa ang buhay ko masayang

Awang-awa nako sa aking sarili

Di ko lang maamin sa mundo di ko masabi

Nangangapa sa mga suliranin

Tsaga tsaga lang balang araw papalarin

Hindi ko hawak ang pag ikot ng mundo

Alam kong hindi lahat ng gusto ko masusunod

Alam kong hindi lahat masasagot ng pag luhod

Alam kong hindi lagi sa palad ko may aabot

Kaya pinilit ko magbago ang sarili

Aking kinilusan mga datingn imposible

Napatunayan ko lahat pala posible

Pag nakuntento ka ang buhay sobrang simple

More From Guddhist Gunatita

See alllogo

You May Like

Di Na Babalik by Guddhist Gunatita - Lyrics & Covers