menu-iconlogo
huatong
huatong
Lyrics
Recordings
Daming nagbago daming nangyare

Daming nagbago daming nangyare hmm

Ang daming pagbabagong naganap

Sa tuwa para bang gusto kong umiyak

Kahit na sobrang dami paring katanungan

Isa lang ngayon ang sigurado at tiyak

Na di na masasayang pa ang luha

Mga nais makamit ay aking makukuha

Kahit na gaano kataas ang mga tala

Kaya parin yan na abutin ng taga-lupa

Mahiwagang buhay sa mundo

Maniwala ka na matatapos ang gulo

Isa ka rin ba sa mga taong gaya ko

Na lubos nahuhumaling sa liwanag ng sulo

Ang sarap ng ingay sa gitna ng kagubatan ah

Ang ilaw sa dilim ng kalawakan ah

Ang dami kong gusto na mahawakan

Isa na dun ang sarili ko na kalawakan ah

Ang daming nagbago daming nangyare

Panahon di na namalayan pa namalayan pa

Daming nagbago daming nangyare

Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman ye

Daming nagbago daming nangyare

Panahon hin di na namalayan pa namalayan pa

Daming nagbago daming nangyare

Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman

Ang sarap mamuhay ng tahimik at payak

Yung may kalayaang manatili't gumayak

Sa mata walang piring kamay ay walang tali

Di naman siguro masama baka sakaling

Maintindihan din nila ako

Alam nyo ang hirap din minsan maging ganto

Mas gusto ko makinig kesa magsalita

Kaso utos ni Ama 'la akong magagawa

Minsan nang nilamon

Ng inip at kalungkutan

Puso ko'y hinamon

Ng sarili kong isipan napanaginipan

Sa isipan matatapos din naman to

Di mo na kailangan pang piliting mag isip

Enjoy-in mo lang ang pagkabuhay mo ulit

Malay mo sa pagalis mo di ka na bumalik ye

Daming nagbago daming nangyare

Panahon di na namalayan pa namalayan pa

Daming nagbago daming nangyare

Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman ye

Daming nagbago daming nangyare

Panahon di na namalayan pa namalayan pa

Daming nagbago daming nangyare

Na ayus lang naman mga suliranin matatapos din naman

More From Guddhist Gunatita

See alllogo

You May Like

Dndn by Guddhist Gunatita - Lyrics & Covers