menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sana Lahat Gumaan

Guddhist Gunatitahuatong
skline312huatong
Lyrics
Recordings
Ooh, yeah, ooh

Tanggap ko na minsang hindi sasang-ayon mga pangyayari, hindi magaan

Pero pagtya-tyagaan, hanggang sa makuha pangarap ay gagalawan

Tadhana ay papalagan, sa nakaraan hindi na magpapasakal

Hangarin kong lahat tayo ay manalo, para lahat gumaan

Pasens'ya kung minsan hindi ko maamin, bumibigat, 'di ko masabi

Dumadagdag lagi ang mga pasanin, tadhana ang hirap basahin

Reyalidad, hirap basagin, pero gano'n pa man, 'di sasayangin

'Tong buhay na pinagkaloob Mo sa 'kin, 'di wawasakin

Andaming nasayang na luha, salamat, hindi Mo kinuha

May misyon pa dito sa lupa, tulungan Mo ako makuha

Pangarap ko sa buhay ko, salamat at binuhay Mo

Ang tulad ko, sa mundong 'to, magiging patunay

Na lahat ay maaring makamit, kahit masakit

Pagbabago, 'di rin madali, pero kayang-kaya mo' yan matawid

Kahit matagal, ganyan lang ang buhay kapatid

Kailangan mong masanay, yeah, na lumaban, yeah

'Wag na 'wag kang panghihinaan

Tanggap ko na minsang hindi sasang-ayon mga pangyayari, hindi magaan

Pero pagtya-tyagaan, hanggang sa makuha pangarap ay gagalawan

Tadhana ay papalagan, sa nakaraan hindi na magpapasakal

Hangarin kong lahat tayo ay manalo, para lahat gumaan

Tanggap ko na minsang hindi sasang-ayon mga pangyayari, hindi magaan

Pero pagtya-tyagaan, hanggang sa makuha pangarap ay gagalawan

Tadhana ay papalagan, sa nakaraan hindi na magpapasakal

Hangarin kong lahat tayo ay manalo, para lahat gumaan

Dumating ako sa puntong pagkaguho, pero 'di pinili na sumuko

Buti kahit pa'no, eh, natuto, bago pa tuluyan na maglaho

Tinanggap ang aral na hatid ng kalawakan

Mga bagay na nangyari, sa paglipas hinayaan

Kabutihan na'ng hangarin, tangi ko pinanghawakan

Hanggang sa makarating sa buhay nang kaginhawaan

'Di ako papayag na pangarap ko ay 'di ko makamit

Sa paglisan ko sa mundong 'to, sa Kanya papanik

Sa 'king pagbalik, ang buhay ko, sa musika pa rin

Inaalay ko lahat ng 'to sa aking kapatid

'Di ako papayag na pangarap ko ay 'di ko makamit

Sa paglisan ko sa mundong 'to, sa Kanya papanik

Sa 'king pagbalik, ang buhay ko, sa musika pa rin

Inaalay ko lahat ng 'to sa aking kapatid

Tanggap ko na minsang hindi sasang-ayon mga pangyayari, hindi magaan

Pero pagtya-tyagaan, hanggang sa makuha pangarap ay gagalawan

Tadhana ay papalagan, sa nakaraan hindi na magpapasakal

Hangarin kong lahat tayo ay manalo, para lahat gumaan

Tanggap ko na minsang hindi sasang-ayon mga pangyayari, hindi magaan

Pero pagtya-tyagaan, hanggang sa makuha pangarap ay gagalawan

Tadhana ay papalagan, sa nakaraan hindi na magpapasakal

Hangarin kong lahat tayo ay manalo, para lahat gumaan

Para lahat gumaan

Para lahat gumaan

Para lahat gumaan

More From Guddhist Gunatita

See alllogo

You May Like