Bakit hindi mo man lang sakin to sinabi
Na ako pala ang nakikihati
Sa puso mong
May naunang nag may ari
Dahil akala ko nung una ako lang
Pinaniwala mo na walang hahadlang
Sa ating pag iibigan na tila ngayon walang kahahantungan
Kasi sinungaling ka
Bakit di ko nadama
Na ako pala ang siyang pangalawa
Ginawa mo 'kong tanga
Sa mata ng iba
Ngayon parang ako pa ang may sala
Kaya pala pag magkasama na tayo
Di ka mapakali parang may tinatago
Kaya pala pag gusto kitang puntahan andami dami mong kadahilanan
Ngayon ako ang kawawa
Salo lahat ng pangungutya
Hindi ako ang may mali
Ang mali ko lang ay minahal pa kita
Bakit di mo sinabi
Na meron nagmamay ari
Mas piniling ilihim nalang
Bakit mo nagawang
Saktan ang puso ko
Bakit parang ako pa
Ang naging masama
Sa mga mata nila
Wala akong magawa
Nagsisisi nang nakilala kapa
Sana sana hindi nalang
Bakit ba ako naniwala
Bakit ba sayo pa nagtiwala
Kung alam ko lang
Sana di nalang kita pinagbuksan
Sa ginawa mo dalawa kaming nasasaktan
Bakit ba ikaw ay nakilala
Kung alam ko lng di na sana nagdurusa
Mali pala ang ibigin ka
Bakit nga ba ngayon ko lang napuna
Napaikot mo ako sa palad mo
Ngayon ayoko na
Siguro dapat ay
Ika'y bitawan ko na
Kahit na masakit
Kase mahal pa kita
Ingatan mo siya
Mahalin mo siya
Eto ang tama
At paalam na
Wag mo na 'kong isipin
Ito ang dapat gawin
Kaya ngayon malaya kana
Bakit di mo sinabi
Na meron nagmamay ari
Mas piniling ilihim nalang
Bakit mo nagawang
Saktan ang puso ko
Bakit parang ako pa
Ang naging masama
Sa mga mata nila
Wala akong magawa
Nagsisisi nang nakilala kapa
Sana
Bakit di mo sinabi
Na meron nagmamay ari
Mas piniling ilihim nalang
Bakit mo nagawang
Saktan ang puso ko
Bakit parang ako pa
Ang naging masama
Sa mga mata nila
Wala akong magawa
Nagsisisi nang nakilala kapa
Sana sana hindi nalang