'Di ko lubos maisip na
Hanggang ngayon na kaya ko pang
Ipikit ang mga mata
Bakit sayo'y pumapalpak
Kahit na alam ko
Paulit ulit na ganito pero heto heto
Ako ako 'di pa rin natututo
Alam naman nating dalawa
'Di para sa isa't isa
Kailan pa ba aayaw turuan mo naman bumitaw
Sa pagkapit at hindi na muling lumaban pa
Pero bakit pa tumigil paglingon nandiyan ka pa
Kaya heto heto ako ako isa pang pagkakataon
At muli kong bubuohin pakiusap
'Wag mo nang sisihin
Kahit sa kabila ng lahat
Ng 'yong ginagawa ay heto pa rin ako bumabalik
Muli sa umpisa 'di mo mabilang ang galit sa'yo
Paulit ulit lang na saktan ako
Ay hindi ka matitiis dahil sa mahal
Kaya heto tumanang man ano kaya ang idadahilan
Kung bakit 'di ka nagpaparamdam
Ilang linggo ka nang ganyan
Tapos sasabihin mo saakin na
Marami kang ginagawa
Tapos pipilitin ko maniwala
Kahit nagmumukhang tanga
Sa pagkapit at ipilit na magbabago ka
Ngunit bakit pa kumapit
Kasi nga mahal kita
Kaya heto heto ako ako isa pang pagkakataon
At muli kong bubuohin pakiusap
'Wag mo nang sisirain
Kahit sa kabila ng lahat
Ng 'yong ginagawa ay heto pa rin ako bumabalik
Muli sa umpisa 'di mo mabilang ang galit sa'yo
Paulit ulit lang na saktan ako
Ay hindi ka matitiis dahil sa mahal kita