Alam kong mayro'ng dinadalang lungkot 
'Di na malaman ang nadarama, nadarama 
Sa huli, sana'y makita pang muli 
Ang pungay ng 'yong matang gumaganda 
Nasa'n ka na? 
Tingnan natin nang husto (Pagmasdan mo nang maigi) 
Ang makulay kong mundo (Mga tao sa paligid) 
Kahit minsa'y magulo (Kahit medyo alanganin) 
Yayakapin nang buo (Ikaw pa rin ang hahanapin) 
Minsan ay 'di mo rin ba maipinta 
Ang aura ng 'yong mukha? (Aura ng 'yong mukha) 
Nagtataka (Nagtataka, nagtataka) 
Nand'yan pa ba? 
Tingnan natin nang husto (Pagmasdan mo nang maigi) 
Ang makulay kong mundo (Mga tao sa paligid) 
Kahit minsa'y magulo (Kahit medyo alanganin) 
Yayakapin nang buo (Ikaw pa rin ang hahanapin) 
Oh, sa tuwing tumatakbo ang isipang magulo 
Kilala mo naman akong laging kakailanganin ng pag-ibig mo 
Tingnan natin nang husto 
Ang makulay kong mundo (Mga tao sa paligid) 
Kahit minsa'y magulo (Kahit medyo alanganin) 
Yayakapin nang buo (Ikaw pa rin ang hahanapin) 
Tingnan natin nang husto (Pagmasdan mo nang maigi) 
Ang makulay kong mundo (Mga tao sa paligid) 
Kahit minsa'y magulo (Kahit medyo alanganin) 
Yayakapin nang buo (Ikaw pa rin ang hahanapin) 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin 
Ikaw pa rin ang hahanapin