Mga ilaw sa daan ay nakikisabay
sa liwanag ng buwan
Habang ako'y nakatingin sa
kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na
gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin na
naka ipit sa gitna at pang bituin
Tuloy tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
Kung makikita mo naman;
lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw,
humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya.
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
bago pa sumapit ang araw.
Mga tao sa daan; sila'y
sabay sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na
unti unting umiikot ang paningin
Tuloy tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
Kung makikita mo naman;
lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw,
humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya.
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
bago pa sumapit ang araw.
Kung makikita mo naman;
lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw,
humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya.
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
bago pa sumapit ang araw.
Kung makikita mo naman...
Tumatalon sumisigaw...
Hindi mo na mapipigilan...
Sulitin mo ang buong gabi...