menu-iconlogo
huatong
huatong
ives-ives-rapstar-flow-g-cover-image

Rapstar Flow G

Ives Iveshuatong
❣️💖𝐓𝐫𝐚𝐜𝐤/𝐁𝐚𝐝𝐠𝐞ᴳᵢᶠ💖❣️huatong
Lyrics
Recordings
'Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to

Ginaganapan ko lang ng natural

Tsaka inagapan ko na mautal

Nilaban, sinugal, ginapang, minahal

Katagalan, natutunan ko nang tumagal

Tsaka alam ko naman na inaabangan

Na sana tabangan 'yung papakawalan, para 'di naabangan

Kaso nga lang palaban ang batang Alabang

Kinalakihan na galingan nang galingan kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin

'Di ko namalayan na malayo na malayo na pala na 'yung narating, pati ako napaling

Mga naniwala 'di ko pwedeng biguin

'Di ko pwedeng pakitaan ng bitin

Mga tenga na kailangan busugin ko pa din kahit kabisado na kilitiin

Alam ko na may mata na nagbabantay kung pa'no ako sasablay

Matyagang nag-aantay kung kailan ako tatamlay at lalaylay

'Yung mga laway na laway na makita ako na mahina, umay na umay na manira

Ngalay na ngalay na manghila kasi nga walang pinakitang hindi pamatay

Nung napasarap mag rap, ang daming nagbago

Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao

Daming nagtulak sa'kin, palaging maging ganado

Palaging plakado, 'pag gumalaw palaging planado

Daming pasabog kailangan 'pag malawak ang sakop

Ikaw din ang talo sa laban 'pag nabalot ng takot

Kung saan ka aabot, hakutin lahat ng mahahakot

'Yung dami ng pagod ay may sukli 'pag 'di ka madamot

At kung hindi ko tyinaga, baka nauwi na sa wala, ganito pala 'to kalala

Kita mo naman ang napala, pa'no kung hindi ko ginawa

'Yung iba 'di makahalata, malaki na ang nakataya, marami na pwede mawala

Kaya 'di na pwede pabaya, hindi pwede puro mamaya, baka sa huli mapahiya

Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala

Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa, 'di madapa 'yung kalidad 'di mo nakitang binaba

Nung marami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna, ngayon kita mo namumunga

Tumutubo na, napakarami ko nakukuha pero 'di pa rin nalulula

Ta's sa ugali wala pa ring binago

Tao pa rin 'pag humaharap sa tao

Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko

Literal na may bago kang aabangan

Sa tuwing may ilalabas na bago

'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi

Para mas lalo sila ganahan, 'di 'yung mga bago ko hanapin

'Yung iba naman nababawan pero 'di na para atupagin

'Di kasi nila maunawaan na 'yung bulsa ko pinapalalim

Kahit papaano naman naganapan ko paunti-unti

Gumalaw ng pino, hindi maitatangging iba din ang laking Munti

Tila may anting-anting sa galing, himala 'yung kuting ay naging kambing

Sa dami ng hinain na putahe, pwedeng akalaing malaking canteen

'Yung iba nakahalata na sa pangalan at plaka

Nagiging malala bigla lalo 'pag pabaliktad na binasa (Wolf)

'Pag gumagawa, ginagawa, magagawa, maiba lang ang lasa

Para maipakita ko din na 'di na 'ko gumagawa nang basta-basta

Ngayon lalo pang nananabik

Kasi meron nang bumabalik

Gagawin ko pa rin nang gagawin

Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin

Subok na subok na 'yung lagi niyong sinusubok no'n

'Yung mga nanubok, 'yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong

'Eto na ngayon 'yung mga sinabihan niyong gunggong

Sa tuktok na kami tumutungtong, 'eto 'yung hindi niyo matutunton

Tsaka ramdam niyo na rin, pataas kami ng pataas

Kada labas, kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas

Sa'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas

Pagka-usapang Pinas, pasok kami diyan, hindi na mapapalabas

'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no

Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro

Sarili na lang ang tinatalo

Oo, wala nang iba, halata kasi nga nung 'yung uso naiba, oh, 'di ba, 'yung iba nabura?

More From Ives Ives

See alllogo

You May Like