Kung darating man ang isang araw 
Ikay lilisa't di na matanaw 
Titigil sa pag ikot ang mundo 
Dahil wala ka na sa piling ko 
Kung ikaw ay magmahal na ng iba 
Anong halaga ang mabuhay pa 
Dalhin mo na ang araw at ang buwan 
Na di na sisikat kailanman 
Kung sakaling ikaw ay lalayo 
Dalhin mo na rin pati ang puso ko 
Pagkat ito'y di na titibok 
Sa buhay na puno na ng kirot 
Ang tangi ko na lang pakiusap 
Saan ka man ngayon o hirang 
Wag sana akong kalimutan 
Ang ating nakaraan na kay sarap 
Kung sakaling ikaw ay lalayo 
Dalhin mo na rin pati ang puso ko 
Pagkat ito'y di na titibok 
Sa buhay na puno na ng kirot 
Ang tangi ko na lang pakiusap 
Saan ka man ngayon o hirang 
Wag sana akong kalimutan 
Ang ating nakaraan na kay sarap 
Kung sakaling ikaw ay lalayo 
Kung sakaling ikaw ay lalayo 
Kung sakaling ikaw ay lalayo