menu-iconlogo
logo

NIMAL BEAT 2.0 - (TRACK)

logo
avatar
Jaegerlogo
🏆🅽🅲🆃ᶦᵅᶬ🔺M🔻♒logo
Sing in App
Lyrics
Eey!

gusto ko lang ipakilala

ang Pamilyang NIMAL

di to basta2

kaya kung pede

kumapit ka!

Dito sa NIMAL

hindi pwede ang HANGAL

Wag kang magyayabang

kung hindi rin makapal

ang mukha mo sa asaran,

dito ay garapalan

mababasag ang mukha mo

ng walang kalaban-laban

hindi pwede manipis,

madali kang mapupunit

sa angas ng pamilyang to,

mukha mo'y masusulit

sa lakas ng mga trip at

mga murang bagong init

kung di mo kaya pwedeng lumabas

andun ang EXIT!

Ang Kapitana namin juice colored

parang anghel

na pag nakasundo mo siya

ang legit parang papel

ang gaan, maputi,

mabait at sobrang sweet

Wag mo lang gagalitin

may sapak kang malupet

Si Mamang, YENG o si Eizel,

kahit alin man dyan

yan ang aming kapitanang

sobra namin mahal

lahat kami nakasuporta

pag naka-live sya

sa buong maghapon kami nakaagapay

para ipakita kung

paano ba ang magmahal

ng totoong kapamilya

kahit pa nga pasal

nagsisikap para lang

may maiuwing tinapay

kahit pa nga sa Plaza

magdamag na nakatambay

Kaming lahat ay iisa,

iyan ang yong tatandaan

Awayin mo samin ang ISA,

kalaban mo ISANG DAAN

pag may lakas ka ng loob,

sige lang tol, sige lusob

basta ba kakayanin mo,

mukha mo mailulublob

sa mga p*kyu na sagad,

malulutong, lahat wagas,

lamunin mo alikabok,

at napakarami pang bigas

ang kakainin mo bago mo

matuluyang mabuwag

pamilya ng NIMAL,

isang malaking GOODLUCK!

Hindi kami, basta-basta lang

na napapasok

ng kung sino-sino,

na gusto lang makapasok

Sa loob ng tahanang

walang wagas kung magmahal

pero kapag ginalit mo kami

lahat ay sasakal

Sa leeg mo kung ang habol

mo lang ay makitsismis

Hindi na namin kailangan pa

ng isang Marites

Kumpleto na kami,

may Marina at Marisol

Marissa at Mariss,

may Marietta at Maricar

Baka kay kuya NICA ka palang

wala ka ng palag

Pag sinamahan pa ni XHE

hala naku malalaglag

ka sa imburnal na

kung saan ka naglalagi

hala! ikaw ba yung naamoy

namin na mapanghe?

KyunC, Musika, Payeng

palaging magkasama

wag kang paharahara,

pag nakita mo sila

wala ka ng magagawa

kapag ikaw ay natripan

kahit siguro kay Danyel

na palaging naba-Ban

sa PR kung saan

di nila kaya ang parating

pag nagsama ang mga Nimal,

anung galing

sa pakikisama

basta ba merong respeto

sa opinyon at damdamin

ng lahat tao

Lahat kami dito ay mga NIMAL

pero di tulad ng iba

ugaling pusakal

kamiy merong respeto,

marunong din manggago

pero kapag kami ang nagmahal

lapat sa tao

Si GEOFFSMITH, ELEYAH,

at ROMIA at si MOODY

Si JAY-P, at si ARK,

si MAMBA, at si MEGGY

Si DARLENE, at si TREZ,

si BEBANG at si ZAIRA

Si HORCRUX at YUKINE,

KIMPOI AT PRETTYBEA

Sila yung mga members

ng pamilyang Nimal!

NIMAL lang ang pangalan,

pero magandang asal

pag nasalubong mo

ay bumabati, mapagkumbaba

sa buhay, kase alam namin

kapag walang-wala

kang malapitan pag dumating

ang oras ng kagipitan

ang mga kapatid mo sa NIMAL

iyong makakapitan

dito kami sanggang dikit,

walang malaki o maliit

makikipagdikdikan para sa inyo,

This is legit!

Yung Bise-Kapitan nga pala

namin sobrang gwapo

tapos mayaman, madaming pang RC

na tulad ko

kung tawagin namin ay Papang

dapat alam mo na

kung para kanino si Mamang,

edi kay Papang, kanino pa!

Kaya kayong makukulit,

wag na wag ng hihirit

Kung merong kang balak agawin

si Mamang, naku lintek

ang aabutin mo kapag

hindi ka pa nanahimik

alam mo ba na itong

si Papang ay si Mapanaket?

at syempre pa,

hindi magpapatalo isang member

hindi gwapo, hindi pogi

pero malufet na RAPPER

o kayo dyan sa paligid,

please always remember

na kaya ding lumaban

at maangas din si JAEGER!

BOOM! kita mo na

naisingit ko pa yan?

ganyan kasi kapag NIMAL,

ang utak pabilisan

kung gusto niyong sumali,

tanungin niyo ang sarili

Kung kaya niyong maging NIMAL,

BAWAL DITO ANG PEKE!

-JAEGER IN THE HOUSE-