Ano ba ang tawag sa 'di ko nga siyota
Pero kayakap ko naman sa gabi?
Nagtatawanan, nag-iinuman
Ibang-iba kung tayo'y magkatabi
Matagal na magkaibigan
Ba't ayaw niya pang simulan?
'Di naman kailangang ligawan
Sa 'yong sa 'yo na ako
Giliw, mukha ba 'kong 'di kasugal-sugal?
Giliw, hindi mo ba 'ko papanindigan?
Ano pa ba ang hanap mo? (Hah, oh, hah)
Sabihin mo lang, kakayanin ko (magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa 'yong sa 'yo na ako
Daming nag-aakala, hindi nga magsiyota
Pero kung maka-text, ooh, 'kala mo naman
Tawag nang tawag kasi mayro'ng problema
Alas-tres na, pero 'ge, papunta na
Ang tagal na nating kaibigan
Ba't ayaw mo pang mag-ibigan?
'Di namang kailangang ligawan
'Eto ako, sa 'yong sa 'yo
Giliw, mukha ba 'kong 'di kasugal-sugal? (Giliw, hindi ka pa ba susugal?)
Giliw, hindi mo ba 'ko papanindigan?
Ano pa ba ang hanap mo? Oh (hah, oh, ooh, hah)
Sabihin mo lang, kakayanin ko (magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa 'yong sa 'yo na ako (magsabi ka lang, magsabi ka lang)
Wala kasing bawal
Takot sigurong sumugal
Unang mahulog ay talo
Seryosong may halong laro
Aamin na 'ko, hindi pa tayo
Ang labo-labo, isa lang ang klaro
Sa 'yong sa 'yo na ako, ooh